Tuwing naririnig ko ang mga katagang, “It’s unfair”, lagi kong naaalala ang isang dula na lagi naming ipinakikita sa mga Evangelistic Nights ng mga youth activities noong nasa high school pa ako. Ito ay kwento ng isang kabataang tinawag ng Panginoon sa langit. Habang lumalapit siya sa paanan ng Panginoon, isinigaw ng mga mahal niya sa buhay ang “it’s unfair” dahil tinawag siya at sila hindi. Unfair kasi hindi man lang niya ibinahagi ang kanyang karanasan sa Panginoon; unfair kasi sarili lang niya ang inisip niya; unfair, unfair…
Well, unfair talaga at sadyang mahirap ang mabuhay sa mundong na punong-puno ng unfairness. Ikaw ang magsasakripisyo pero ikaw pa ang masama. Ikaw ang gumagawa, ikaw pa rin ang masama. Konting kapalit lang ang hinihingi mo katumbas ng pagod mo, ito pa ang ikasisira ng pangalan mo. Inggit lang ba ang mga tao kaya’t ikinaliligaya nila ang siraan ang iba? O hindi lang sila makapag-move on sa kanilang pagkatalo?
Kunwari, ipinagtatanggol ka nila pero sa huli, gagamitin nila ang mga desisyon ng nakararami laban sa iyo. Kunwari, kaibigan ka nila at kampi sila sa mga sinasabi mo pero pagkatapos ng lahat gagamitin nila ang mga ito upang bigyang katwiran ang baluktot nilang kaisipan at ipagtanggol ang kanilang sarili. Punung-puno ng pagkukunwari. Kunwari, malinis ang layunin nila pero para pala ito sa pansariling interes sa kabila ng kasiraan ng iba.
Unfair dahil hindi nila alam ang tunay na dahilan kung bakit ka nagpapakapagod upang ipagtanggol ang nakararami. Unfair kasi ang iniisip nila, sarili mo lang ang pinagsisilbihan mo; na sa paggawa mo ng mabuti, mapaparangalan ka at ayaw nila ng ganun dahil gusto nila sa kanila ipuputong ang gawad. Unfair talaga kahit saang anggulo mo tignan.
Sana lang pag tatawagin na rin tayo ng Panginoon, wala ring sisigaw sa atin ng “it’s unfair”. Yun na lang, sa huli na lang tayo magtutuos lahat. Kung talunan ka man ngayon dito sa mundo, wag kang papayag na hanggang sa katapusan ay ikaw pa rin ang naging unfair sa lahat ng iyong ginawa para sa kanila.
It was Sunday morning. After all the dos and don’ts, the lectures and community development inputs, we were ready to have our community exposure. Were we really ready?
The first child I came to know was Girlie Kate. She was with her cousin Isabel. I asked her to tour me around. We saw some children playing the improvised swing. It was made up of rubber car tire. I talked to the children, asked them what are they doing, their names and everything just to sustain conversation we had. What is amazing was the children have two names. They all have names in Sambal Botolan, the local dialect and in English. Girlie’s was Kitkit. They also speak Kapampangan.